Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miss Philippines Trixia Maria Maraña bags Miss Asia 2016 crown



(IMAGE from Facebook)
 

Muling nagwagi ang ganda ng Pinay sa katatapos lamang na Miss Asia 2016 na ginanap sa Kerala, India, noong nakaraang August 18.

Kinoronahan sa second editon ng Miss Asia ang 23-year-old BDO auto loan assistant from Dumaguete City na si Trixia Maria Marana.

Naganap ang coronation night ng Miss Asia 2016 sa CIAL Convention Center sa Kochi, India.

Tinalo ni Trixia ang labing-walong Asian candidates ng naturang pageant.

Ang first runner-up ay si Miss Belarus Yauheniya Vasilyeva.

Second runner-up naman si Miss India Ankita Kharat.

Noong nakaraang taon, naging first runner-up ang Philippines na ni-represent ni Alfre Marie Nathanile Dagle sa first edition ng Miss Asia. Ang nagwagi ng korona noon ay si Miss India Kanika Kapur.

Bukod sa crown and sash, napanalunan ni Trixia as Miss Asia 2016 ang cash prize na 300,000 rupees at gift certificates mula sa iba't ibang brands operating in India.

Bago maging Philippine representative si Trixia sa Miss Asia, sumali na ito sa ilang local pageants tulad ng Miss Tourism Philippines 2010, Sinulog Queen de Kabankalan, Miss Dumaguete City 2009, Abuyog Queen of Leyte 2011 at Miss Negros Oriental 2015.

Kaagad na nag-post ng mahabang mensahe ng pasasalamat sa kanyang Facebook page si si Trixia pagkatapos siyang makoronohan bilang Miss Asia 2016.

“Everything feels like in movies. So thrilling, all the drama and suspense. The unending worries each day. I don’t have a team like most candidates have.

“But yeah, You’re the most High and powerful, look how you have made everyone around be an instrument to take all those worries away and made me my own Team Philippines," bahagi ng mensahe ni Trixia. -- For the full story, visit PEP.ph