Filtered By: Showbiz
Showbiz

Megan Young reveals secret of successful relationship with Mikael Daez


 


Parehong Kapuso si Megan Young at ang boyfriend nitong si Mikael Daez.

Kaya kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Megan na magkapareha sila ni Mikael sa isang teleserye.

Sabi ni Miss World 2013, “I always hope for that, pero siyempre, it’s in the hands of the network. We can only wish and hope na magkatrabaho kami."

“It will all fall into place na at the right time, with the right project.”

Nagkasama lang daw sila sa guesting nila noon sa dating daytime series ng GMA-7 a Dangwa.

Mas masaya ba sila ni Mikael ngayong mas open na sila kung anuman ang namamagitan sa kanila?

Tugon ni Megan, “We’re more at ease now, chill lang. For us naman, we share whatever we can."

“At the same time, alam mo naman na we like to keep the private aspects to us. That’s how we like to cherish all our relationships.”

May anim na taon na rin silang malapit sa isa’t isa.

Ang dami na rin nilang pinagdaanan; naging Miss World siya, nagkalayo sila, at may constant ka-love team si Mikael.

Ngunit sa kabila nito, napapanatili nila ang kanilang relasyon.

Paano nila nagagawa yun?

Ayon kay Megan, “Hindi naman kasi kami maisyung tao, very quiet naman kami. And we stick to people who bring out the best in us.”

Masasabing mature silang pareho ni Mikael sa relasyon nila.

“Oo naman,” pangsang-ayon niya.

 

 

Throwback to the safari #SouthAfrica #TravelWithAccess

A photo posted by Megan Young (@meganbata) on

 

Sa Instagram postings na lang nila ay makikita na madalas silang magkasama, lalo na sa mga travels.

Hindi na nga raw mabilang ni Megan kung ilang biyahe na ang pinagsamahan nila ni Mikael sa loob at labas ng bansa sa loob ng anim na taon.

Pero ang African trip daw nila ang maituturing niyang pinaka-memorable.

Sabi niya, “Iba, e, it’s always been one of my dream destinations. Kasi hindi ko napuntahan ang Africa noong time ko na Miss World, that was really a dream come true."

“Nakapag-Safari, nakapag-hiking pa kami, nature travel... So, ako, sobrang na-enjoy ko yun.” —PEP

For more showbiz stories, visit PEP.