Nagkaayos at nagkabati na si Sharon Cuneta, 54, at anak nitong si KC Concepcion, 34, matapos ang higit dalawang buwang tampuhan.

Nalaman ng marami ang naging hidwaan ng mag-ina dahil sila mismo ang nagsapubliko nito sa pamamagitan kani-kanilang social media posts.

Si KC ay anak ni Sharon sa dati nitong asawang si Gabby Concepcion, 55.

Nito lamang March 11, muling naging aktibo si Sharon sa Instagram pagkatapos ng halos isang buwang social media break.

Nitong Lunes ng gabi, March 16, nag-post sa Instagram ang Megastar para i-promote ang YouTube channel ng kaniyang panganay na anak na si KC.

Caption ni Sharon: “Baby#1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her.”

Makahulugan din ang mga hashtag na ginamit ng singer-actress-host: #stillmybabynomatterwhat #unconditionally #iloveyounowandforever #onlyonemomsyforever

Sa comments section ay nagpaabot ng maikling pasasalamat si KC para sa ina: “Thank you, Mama. [rose emoji]”

Sagot naman ni Sharon: “@itskcconcepcion You are welcome. I love you no matter what. That will never change.”

Bumuhos naman ang mga positibong reaksiyon mula sa netizens sa pagkakaayos ng mag-ina.

Komento ng isang netizen, nasiyahan siya sa pagkakabati ng mag-ina sa kabila ng coronavirus disease o COVID-19 threat sa bansa.

Nalaman ng publiko ang tampuhan ng mag-ina nang bigyan ng birthday tribute ang Megastar sa kaniyang home network noong Enero 5, 2020. Naroon ang pamilya ni Sharon, na kinabibilangan ng mister niyang si Senator Kiko Pangilinan at ang mga anak nilang sina Frankie, Miel, at Miguel, pero kapansin-pansing wala si KC.--For the full story, visit PEP.ph