Dahil sa enhanced community quarantine, mas naging disiplinado raw na si Arra San Agustin sa kaniyang workout. Pero kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbabago sa kaniyang body clock pagdating sa pagtulog.

Sa Kapuso Showbiz News, sinabi ng Kapuso actress na kadalasang 3:00 am na siya nakakatulog at pagkagising niya ay tila pagod na pagod siya dahil nagkakaroon ng "vivid dreams."

Alamin ang kaniyang kuwento tungkol sa naturang panaginip at kung naniniwala kaya siya na may kahulugan ang mga ito. Panoorin.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News