ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dick Gordon, nakapanayam ni Ramon Bautista sa 'May Tamang Balita'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Simula noong tumakbo bilang pangulo sa nakaraang eleksyon 2010 si Richard “Dick” Gordon, naging madalang na ang kanyang paglabas sa telebisyon. Pero inabutan siya ng programang "May Tamang Balita" habang abala sa kanyang tungkulin sa Philippine Red Cross. Hindi pinalampas ng host na si Ramon Bautista ang pagkakataong tanungin ang dating senador tungkol sa ilang balitang kaugnay sa kanya, tulad ng sinasabing muli niyang pagsabak sa pulitika ngayong nalalapit na halalan. Walang prenong sinagot ni Gordon ang mga tanong na ibinato sa kanya. Hindi man diretsahang inamin ni Gordon, naging malaman ang kanyang pahayag: “Pwede kang tumakbo, pero kung tatakbo ka, ano na’ng nagawa mo? Karapatan ng taong sabihin kung ano na’ng nagawa mo.” Sa darating na Oktubre ngayong taon ang deadline ng filing ng certificate of candidacy ng mga nais tumakbo sa eleksyon. Dati ring kalihim ng turismo si Gordon at sa ilalim ng kanyang pamumuno naging patok ang slogan na “Wow Philippines!”  Kaya’t inalam din ni Ramon kung ano ang kanyang opinyon sa kasalukuyang slogan ng DOT na “It’s More Fun in the Philippines.” Aniya, “Okay lang yan pero siyempre mas gusto ko, ‘Wow Philippines.’” Pero ang pinakapatok na hirit ng dating senador ay tungkol sa isyung "mayabang" daw ito. Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview para malaman kung ano ang sagot ni dating senador Dick Gordon sa isyu ng kaniyang diumanoy "kayabangan". -AF/PF, GMA News