ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

House think tank: DepEd nag-aksaya ng pondo noong 2007


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Milyon-milyung piso ang sinayang ng Department of Education (DepEd) sa paggamit ng kanilang pondo noong 2007, ayon sa Congressional Planning and Budget Department (CPBD) nitong Miyerkules. Pinagbatayan ng CPBO, economic think tank ng Kamara de Representante, ang audit report ng Commission on Audit (COA) noong 2007 kung saan lumilitaw na nasayang ang pondo ng DepEd dahil sa maling alokasyon, hindi paggamit ng pondo, at pagbili ng mga gamit na mahina ang kalidad. "Information and multi-media equipment packages amounting to no less than P667.95 million were neither utilized nor maximized for classroom instructions in 13 regions because they were either defective or distributed to schools which were not strictly selected in accordance with the approved criteria, resulting in the wasteful storage or utilization of the units," batay sa report ng CPBD. Hindi rin umano natugunan ng DepEd ang problema sa kakulungan ng silid-aralan sa may 2,929 paaralan sa bansa dahil ibinuhos ng ahensya ang may P597.796 milyon pondo sa may 1,329 paaralan na hindi naman talaga kailangan ng mga bagong silid-aralan. Idinagdag sa ulat na may 84,254 pares ng lamesa at upuan at 150,748 armchairs na nagkakahalaga ng P197 milyon ang inilaan sa 2,777 paaralan sa elementarya at 899 high school samantalang sapat na ang pangangailangan ng mga ito sa gamit. Samantalang may 2,764 paaralan sa elementarya at high school ang higit na nangangailangan ng mga lamesa at upuan ang hindi napagkalooban ng suporta ng DepEd. Ayon pa sa CPDB, lumitaw sa pagsusuri ng COA na may 1,275,056 kopya ng mga libro o manuals na nagkakahalaga ng P57.3 milyon ang hindi nagagamit ng mga mag-aaral at nakatambak lamang sa mga school stockrooms o libraries noong 2007. "The COA report also showed that "unnecessary expenses and waste of time and effort by school personnel and parent-student beneficiaries" occurred due to school implementers' non-compliance with DepEd guidelines on the implementation of the Food for School program and violations of the existing rice supply contact of the National Food Authority," pahabol pa ng CPBD. Pinuna rin ng CPBD na bagaman tumaas ang partisipasyon (mula 57 ay naging 58 porsyento) sa high school noong 2001 hanggang 2006, kapansin-pansin umano na bumaba naman ang partisipasyon sa elementarya sa 83 porsyento mula sa dating 90 porsyento. "The overall achievement rate for school year 2006 to 2007 also remained low for both levels, with 60 percent for elementary and 47 percent for high school," ayon sa CPBD. Naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P167.94 bilyong pondo para sa DepEd sa 2009, mas mataas ng 13 porsyento sa kasalukuyang P149.25 bilyong pondo. Sa pagdinig sa Kamara sa budget ng DepEd noong Sept 11, sinabi ni Education Secretary Jesli Lapus na hindi pa rin sapat ang idinagdag na pondo sa ahensya. Sa P167.94 bilyong pondo ng DepEd, P136.82 bilyon nito ay nakalaan sa personal services, 19 porsyentong mas mataas kumpara sa P114.77 bilyon na inilaan nitong 2008. Samantalang ang pondo para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) ay bumaba ng 7 porsyento o mula sa kasalukuyang P21.73 bilyon at magiging P20.27 sa 2009. Aabot lamang sa P10.85 bilyon ang nakalaan para sa capital outlay, kasama na ang pagtatayo ng mga paaralan. Ang naturang halaga ay mas mababa ng 15 porsyento mula sa kasalukuyang P12.75 bilyong alokasyon. - GMANews.TV