Filtered By: Topstories
News

DPWH kinastigo sa bumagsak na billboards sa EDSA


Want to see the E22 local results for ? Click location.

MANILA – Dapat umanong hulihin at ikulong ang may-ari ng mga illegal billboard na bumagsak sa EDSA nitong Lunes na ikinasugat ng lima katao at nakasira ng ari-arian, ayon kay Senador Miriam Defensor Santiago. Sinabi ng mambabatas na malinaw na nakatakda sa batas na sinuman na sangkot sa kontruksyon at paggamit ng illegal billboard ay maaaring ipakulong at pagbayarin ng danyos sa mga biktima na nasaktan o nasugatan. “Naiwasan sana ang ganitong pangyayari kung pinayagan at pinagtibay ng Kamara ang panukalang Anti-Billboard Bill. Pero may sabwatan upang mamamatay ang panukala," ayon kay Santiago. Si Santiago ang pangunahing awtor ng Anti-Billboard Bill na pinagtibay ng Senado ngunit ibinasura sa Kamara dahil sa hinala niyang nagkaroon ng “lobby money." “These illegal billboards have killed innocent people over several years. Under the police power of the state, they could even be banned outright. Corporate greed is driving these billboards, because the law is too liberal. Radical problems need radical solutions," paggiit ni Santiago . Kinastigo naman ni Sen. Ramon “Bong" Revilla Jr., ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kawalan nito ng aksyon upang manmanan at suriing mabuti ang lahat ng billboards partikular sa kahabaan ng EDSA. “Apparently, the DPWH is caught sleeping on its job after three billboards on EDSA fell Monday afternoon, injuring five people and again, snarling traffic. The inspection and monitoring of billboards should be on a regular basis, not after there is already an accident. This is a clear sample of ningas-kugon," ayon sa senador. Sinabi pa ni Revilla na naunang inamin ng DPWH na may mga billboard na naitatayo sa mga abandonadong gusali sa ginanap na committee hearing at nagbigay ng grantiya ang mga opisyal ng ahensya na babaklasin ang mga ito. “Why then is the DPWH saying that these collapsed billboards have no permits? This is a sign of incompetence. Baka ang baklasan ng billboard ay dapat sabayan ng sibakan ng mga opisyal ng DPWH," ayon kay Revilla. Dahil dito, iginiit ng senador na dapat aprubahan ang Anti-Billboard bill para magkaroon ng kamandag laban sa mga abusadong outdoor advertisers. - GMANews.TV
Find the latest news

Choose your candidates and print out your selection.

Find out your candidates' profile

Voter Demographics

Find out individual candidate platforms