ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinoy shooters wagi sa Indonesia
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Dalawang Filipino shooters ang nag-uwi ng gintong medalya sa ginanap na 15th World Shoot of the International Practical Shooting Confederation (IPSC) kamakailan sa Bali, Indonesia. Ang gintong medalya ay ibinulsa nina Ma. Inez F. Jorge at Wilfredo Anglo sa Production Ladies at Seniors category. Tinalo nila Jorge at Anglo ang higit sa 1,000 mga kalahok na nagmula sa mga bansang Russia, Czech Republic, Australia, Norway, Italy, Thailand, Papua New Guinea at Brazil. Si Anglo ang nanguna sa Seniors category matapos magtala ng 1894.6547 na puntos laban sa 41 pang mga kalahok. Si Jorge na sinanay nina coach Jojo Naranjilla at Jimbo Saret, ay siya ring kampeon sa Ladies category sa nakaraang 2007 Austral-Asia Championships sa Pattaya, Thailand. Nagwagi rin siya sa iba pang kompetisyon. Si Jorge naman na nagwagi sa iba pang mga shooting competitions sa Pilipinas ay kasapi ng Team True Weight Philippines. Sa practical shooting, sinusubok ang kakahayan ng isang manlalaro na tamaan ang isang target gamit ang isang full power handgun, rifle or shotgun. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular