ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Masamang panahon sagabal sa paghahanap sa nawawalang eroplano
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Hindi nakikiisa ang panahon sa paghahanap sa eroplanong may sakay na pitong tao nang iulat na nawawala nitong Huwebes sa Cagayan Valley. Ayon kay Chief Superintendent Roberto Damian, PNP regional director sa Cagayan Valley, biniberipika nila ang impormasyon na kanilang natanggap na nakita ang eroplano sa barangay ng Flores at Reina Mercedes sa liblib na munisipalidad ng Maconacon sa Isabela. "Pero walang information sa mga people kung patay sila o buhay. Search teams from Maconacon are on their way to verify report," ayon sa ipinadalang text message ni Damian sa Philippine National Police headquarters sa Quezon City. Patungo sana sa Maconacon, Isabela ang nawawalang Chemtrad plane ay may sakay na pitong tao kabilang isang pulis. Galing ang eroplano sa Tuguegarao, Cagayan dakong 8 a.m. nitong Huwebes at hindi nakarating sa kanilang destinasyon. Sinabi ni Jose Sablan, pinuno ng Civil Aviation Authority of the Philippines, na dalawang rescue choppers ang ipinadala sa lugar na posibleng kinaroroonan ng eroplano ngunit napilitan itong bumalik sa Tuguegarao airbase dahil sa masamang panahon. Muli umanong lilipad ang mga chopper sa sandaling gumanda ang panahon. Kinilala ni Damian ang piloto ng nawawalang eroplano na si Capt. Tomas Z. Yaňez at co-pilot na si Capt. Reiner Ruiz. Sakay nito sina SPO2 Rolly Castaňos, Celestino Salacup, Abelardo Baggay, Joel Basilio at James Bakilan. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular