ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dagdag na singil sa pamasahe hihimayin ng LTFRB
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Masusing pag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon na isasampa ng mga transport group na hihiling na ibalik ang tinapyas na 50 sentimong singil sa pamasahe bunga ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Sinabi ni LTFRB Chairman Alberto Suansing nitong Biyernes na tutol ang mga pasahero na dagdagan muli ng 50 sentimos ang singil sa pamasahe sa kabila ng P1.50 per liter na ipinatong sa presyo ng mga produktong petrolyo nitong linggo. âTitingnan ng LTFRB ang kanilang hiling na idagdag ang 50 sentimos na inalis. At the same time tulungan nila akong hanapan ng sagot ang commuter," pahayag ni Suansing sa panayam ng dwIZ radio. Ayon kay Suansing, may nakuha siyang impormasyon na plano ng mga transport group na ibalik sa dating P7.50 ang singil sa pamasahe mula sa kasalukuyang P7. Sa pagtaya ng LTFRB chief, masyadong mataas ang P5 kita ng mga tsuper kung pagbabatayan ang kasalukuyang konsumo ng mga jeepney na isang litro sa bawat 10 kilometro na may 10 pasahero. âKung dagdagan ng 50 centavos bawaât pasahero, ang first 4 kilometers revenue ng driver madagdagan ng P5. Kung P1.50 ang increase ng fuel, malaki yata masyado, âyan ang sabi ng mga mananakay," paliwanag ni Suansing. Nauna ng iniulat na inihahanda ng Philippine Confederation of Driversâ Organization-Alliance of Concerned Transport Organizations ang petisyon para ibalik ang P7.50 singil sa pamasahe. Sinabi ni Efren de Luna, presidente ng PCDO-ACTO, na balak nilang ihain ang petisyon sa Lunes. - GMANews.TV
More Videos
Most Popular