ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

David 'di dapat maliitin ng Palasyo vs Arroyo - Trillanes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Binatikos ng nakapiit na si Senador Antonio Trillanes ang ginawang pagmamaliit umano ng Malacanang sa propesor na si Randy David na nagpahayag na handang lumaban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang kongresista sa Pampanga sa 2010 elections. “Professor Randy David has done more for the country as an educator, sociologist and journalist than this Administration in its nine years in power. Besides, to foil any attempt by GMA (Arroyo) to prolong her stay in power is the noblest of intentions at this point in our nation’s history," pahayag ni Trillanes na nagbato ng suporta kay David. Si Trillanes ay nanalong senador noong 2007 elections kahit hindi ito lubos na nakapangampanya dahil nakakulong sa kasong destabilisasyon sa gobyerno. Ayon kay Trillanes, dapat suportahan si David kung matuloy ang pagtakbo nito laban kay Gng Arroyo upang masimulan ang panibagong prosesong magtataguyod sa kapakanan ng bansa. “Our collective mission, as a people, should be to completely remove all vestiges of the Arroyo administration in the coming elections so that our country can finally start its rebuilding process," pahayag nito. Una rito sinabi ni David na seryoso niyang ikinokonsidera ang pagtakbo laban kay Arroyo bilang tugon sa umuugong na plano umano ng pangulo na tumakbong kongresista para maging Prime Minister sakaling maamyendahan ang Saligang Batas. Tinawag naman ng Malacanang mismatch at mistulang laban na "David vs Goliath" kung si David lang ang itatapat kay Arroyo dahil marami na umanong nagawa ang pangulo sa Pampanga. - GMANews.TV