ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pulong ni Arroyo sa mga opisyal ng dayuhang drug companies kinumpirma
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inimbitahan ng Senado si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dumalo sa isasagawang imbestigasyon sa umanoây pakikipagsabwatan ng Malacanang at mga multinational pharmaceutical companies upang maantala ang implementasyon ng Cheaper Medicine Act. Sa pulong balitaan nitong Biyernes, sinabi ni Sen. Manuel Roxas II, chairman ng Senate committee on trade and industry, ipatatawag sa pagdinig ang ilang miyembro ng Gabinete ni Arroyo at mga opisyal ng dayuhang pharmaceutical companies. Sinabi ng senador na dapat ipaliwanag ng Malacanang kung bakit nakipagsabwatan ang gobyerno sa mga multinational pharmaceutical companies upang maantala ang pagpapatupad ng naturang batas na inaasahang magpapababa sa presyo ng mga gamot. Itinakda ni Roxas sa Lunes ang unang imbestigasyon kaugnay sa pagrerebisa ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act. âBukod kay Pangulong Arroyo, nagpadala na din tayo ng imbitasyon sa kinauukulang opisyal ng Palasyo upang magbigay linaw sa patuloy na pagkakabinbin ng implementasyon ng isang executive order na naglalayong ibaba sa kalahati ang 22 uri ng gamot sa pamilihan," paliwanag ng mambabatas. Kabilang sa mga ipatatawag sina Executive Secretary Eduardo Ermita, Senior Deputy Executive Secretary Joaquin Lagonera at Health Sec. Francisco Duque. âSa kadahilanan na nagkaroon ng meeting dun sa Malakanyang at hindi natin alam kung ano ang napag-usapan, baka nagkaroon ng aregluhan, baka nagkaroon ng sabwatan kung ano na ang mangyayari dito sa batas, (kaya) nagtakda tayo ng oversight committee hearing dito sa pagpapatupad nitong batas," idinagdag niya.
There was no collusion. We should not believe this. 
â Health Sec. Francisco Duque
Hiniling din ng komite sa Office of the President na magbigay ng kopya ng sulat ni Duque na nagrerekomenda sa implementasyon ng maximum retail price (MRP). Ayon kay Roxas, napagkasunduan sa nabanggit na pulong na ipagpaliban ang implementasyon ng Executive Order kapalit ng pangako ng mga kumpanya na ibababa nila ang kanilang presyo ng gamot bago ang State of the Nation Adress (SONA) sa Hulyo 27. "I believe that this conspiracy was engineered with the facilitation of an influential Presidential Adviser who is also connected with one of the multinational pharmaceutical giants. It is the poor patients that the President should call to Malacanang for a meeting so she can see for herself how hard it is to cling to dear life without affordable quality medication," ayon kay Roxas. Tinukoy ni Roxas ang isang Roberto Romulo, sinasabing tagapangulo ng Zhuelig Pharma Phils., na siyang namagitan sa pulong ng Malacanang at mga multinational companies. Napag-alaman din na si Romulo ay tumatayong executive director ng Presidential Board of Advisers.
We have met the objective of lowering the price of medicine sana âwag na natin lagyan ng anggulo na hindi nakakaige." 
â Trade Sec. Peter Favila
"I believe that this conspiracy was engineered with the facilitation of an influential presidential adviser who is also connected with one of the multinational pharmaceutical giants," akusa ni Roxas. Hindi totoo âyan Mariin naman pinabulaanan nina Duque at Trade Sec. Peter Favila ang alegasyon ni Roxas ng pakikipagsabwatan ng Malacanang sa mga dayuhang pharmaceutical firm. Bagaman kinumpirma nila na naganap ang naturang pagpupulong, hindi umano dapat na akusahan ang Malacanang na nakikipagsabawatan sa mga dayuhang kumpanya para hindi ipatupad ang batas. "There was no collusion. We should not believe this," ayon kay Duque nang makapanayam ng mga mamamahayag sa Malacanang nitong Biyernes. Inihayag naman ni Favila na hiningi ng mga drug companies ang naturang pulong upang ilahad ang kanilang problema. Ngunit ipinaliwanag umano ni Duque sa mga ito na kailangan nilang sumunod sa probisyon ng ipinasang batas. âAt doon nagkaroon ng kasunduan, ako na ang humingi ng suggestionâ¦gumawa na lang tayo ng letter of undertaking, sasabihin ninyo sa akin na committed kayo na ibaba ninyo yung presyo ng gamot," paliwanag ni Favila. Nangako umano ang mga drug companies na isusumite ang sulat 10 araw matapos ang naganap na pulong. âWe have met the objective of lowering the price of medicine sana âwag na natin lagyan ng anggulo na hindi nakakaige," pakiusap ni Favila. Hinamon naman ni Manila Rep. Bienvenido Abante, kasama sa pulong sa Malacanang, si Roxas na isiwalat ang kanyang impormante tungkol sa alegasyon ng sabwatan. âHe should reveal his sources or else he is [just] rumor mongering. I am not going to take this sitting down," ayon sa kongresista. Tiniyak naman ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na masusi silang nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang matiyak na makakamit ang layunin ng panukala para maibaba ang presyo ng gamot sa merkado. âIndustry leaders gave assurances that the industry is committed to cooperate in the implementation of measures that would create greater impact and bring more benefits to Filipino patients," nakasaad sa pahayag ng PHAP.- GMANews.TV
There was no collusion. We should not believe this. 
We have met the objective of lowering the price of medicine sana âwag na natin lagyan ng anggulo na hindi nakakaige." 
More Videos
Most Popular