ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga botika sa bansa tumalima sa utos na ibaba ang presyo ng ilang piling gamot
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ng Department of Health nitong Sabado na tumalima ang halos lahat ng botika sa buong bansa kaugnay sa ipinalabas na kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na bawasan ng kahati ang presyo ng limang importanteng gamot. Sa panayam ng GMANews.TV, sinabi ni Dr. Robert Louie So, program manager ng pharmaceutical management unit ng DOH, na umabot sa 80 hanggang 90 porsiyento ang compliance rate ng mga botika sa bansa. "We have no complete (report) as of the moment, but it's safe to place the rate at about 80 to 90 percent. So far, fewer violations have been reported compared to compliance," pahayag ni So. Sinabi nito na naging mataas ang compliance rate dahil sa pagtalima ng dalawa sa pinakamalaking drug store chains sa bansa â ang Mercury Drug Store at Watson's Drug Store. "These two drug store chains already have about a thousand outlets nationwide. Since they complied, we can say mataas talaga ang compliance rate," idinagdag ng opisyal.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Batay sa ipinadalang ulat ng DOH office mula sa Visayas region, sinabi ni So na lima sa bawat anim na botika sa rehiyon ang sumunod sa direktiba ng Malacanang. Sumunod din umano sa kautusan ang lahat ng 90 drug store outlet sa Mindanao. Sinabi ni So na sisikapin ng DOH na mapanatili ang mataas na compliance rate sa pagkaltas sa presyo ng mga importanteng gamot batay na rin sa ipinasang batas ng Cheaper Medicine Act. "We are very glad that many of the big drug stores complied. We want to maintain a high level of compliance. This effort should not be limited to today or the next few months," ayon sa opisyal. Alinsunod sa Executive Order 821 na nilagdaan ni Gng Arroyo noong nakaraang buwan, iniutos nito na ibaba ang presyo ng gamot na anti-hypertensive na Amlodipine; anti-cholesterol na Atorvastatin; anti-infection na Azithromycin, at anti-cancer drugs na Cytarabine at Doxorubicin. May 16 pang gamot na dapat isasama sa EO ngunit nagdesisyon ang mga kumpanya ng gamot na kusa na lamang nilang babawasan ang halaga ng mga ito. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular