ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagbebenta ng shark’s fin soup nais ipagbawal ni Gng Arroyo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Para maprotektahan ang mga pating at page na nanganganib nang maubos, iminungkahi ng dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na ipagbawal ang pagbebenta ng mga pagkain na may sangkap nito tulad ng sikat na “shark’s fin" soup. Ang mungkahi ni Arroyo ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 174, na sinuportahan ng kanyang anak na si Camarines Sur Rep. Diosdado Macapagal-Arroyo. Sa ilalim ng panukala, gagawing krimen ang pagpatay, pagbebenta, pagbili, paglalako, pagdadala sa ibang lugar at sa ibang bansa ng pating at page, at mga produktong gawa sa mga ito. “It is important to note that the human appetite for shark’s fin soup and meat has led to the collapse of the shark and ray population considering that these species are particularly vulnerable because they grow slowly and live as long as 100 years, hence, they have low reproductive rates and low natural mortality making them prone to extinction," paliwanag sa panukala ni Gng Arroyo. Sinabi ng dating lider na kailangang kilalanin ng pamahalaan ang kahalagahan at kontribusyon ng mga pating at page sa eco-tourism ng bansa at ang yamang-dagat na upang mapanatili ang balanse sa karagatan at sa kapaligiran. Naniniwala si Arroyo, na kabilang ang pagkahilig ng mga tao sa putahe na may sangkap na pating at page sa mabilis na pagkaubos ng bilang ng mga hayop-dagat. “It is important to note that the human appetite for shark’s fin soup and meat has led to the collapse of the shark and ray population considering that these species are particularly vulnerable because they grow slowly and live as long as 100 years, hence, they have low reproductive rates and low natural mortality making them prone to extinction," paliwanag niya. “Over the years, these marine species are in danger of disappearing from ours waters. The population of these sharks and rays declined significantly due to over fishing, human consumption, habitat destruction, pollution due to mercury poisoning and the impact of climate change," patuloy ni Arroyo. Kapag nagging batas, ang mga mapatutunayang lalabag dito ay mahaharap sa parusang pagkakakulong ng mula anim hanggang 12 taon at multang hindi bababa sa P100,000 hanggang P1 milyon. Inaatasan din sa panukala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na maglista ng mga uri ng pating at page na dapat ipagbawal na ibenta. Samantala, ang Department of Tourism (DOT), Philippine Council for Sports Scuba Diving (PCSSD), at mga Local Government Units (LGUs), ang tutukoy ng mga lugar ng mga nabanggit na marine species na dapat ideklarang protected tourism area. - GMANews.TV