ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tatlong pisong dagdag pamasahe sa Tricycle sa Dagupan City, ipapatupad na!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mas mahal na kaysa sa minimum na pamasahe sa jeep ang naaprubahang minimum fare sa mga pampasaherong tricycle sa Lungsod ng Dagupan. Kung dati pitong piso ang minimum fare sa tricycle, ngayon tumaas na ito sa sampung piso. Para sa mga special fare naman mula kinse pesos ngayo'y bente pesos na. Taong 2008 nang inihain ang petisyon ng mga tricycle driver para sa naturang fare increase. Matapos ang tatlong taon, ngayon lang ito naaprubahan kaya naman sasalubong ito sa mga estudyante magbabalik eskwela sa darating na Hunyo 6. Samu't-saring reaksyon naman ang maririnig mula sa mga mananakay sa syudad ng Dagupan. Ayon sa iba, Okay lang kung sampung piso lang naman habang ang iba nama'y umaalma. Sa ngayon lumang fare matrix pa ang nakapaskil sa mga pampasaherong tricycle sa Downtown Dagupan. Kaya naman alanganin pa ang ilang tricycle driver na ipatupad ang sampung pisong minimum fare pagdating ng pasukan. Ayon kay Joven Daliwan, President ng Jovellanos TODA, nakikipag-away pa daw ang ilang pasahero dahil hindi sila naniniwalang P10 na ang minimum na pamasahe sa tricycle. Malaki naman ang pasalamat ng Chapter President ng FATODAG na si Ronnie Quinto dahil matagal na umano nila itong hinihintay. --Glamorfe L. Calicdan