ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NolCom, walang nakikitang pag-aaklas ng militar vs PNoy govt


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALITANG AMIANAN – Hindi umano nangangamba ang Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines sa kumalat na video ni Colonel Generoso Mariano, Naval Reserve Deputy Commander. Sa naturang video na unang kumalat sa Internet, naglabas ng sintemyento si Mariano tungkol sa kahirapan at nanawagan ng “pagbabago sa gobyerno." Naglabas din siya ito ng hinaing sa AFP. Dahil dito, isinailalim sa imbestigasyon at restricted to barracks si Mariano, na nagretiro na nitong nakaraang Linggo. Ayon kay Lt.col. Rosendo Armas, opisyal sa Nolcom, hindi nakaimpluwensiya sa hanay ng militar ang mga inilabas na hinaing ni Mariano. Wala rin umanong grupo na nabuo na maaaring sumuporta at sumunod sa ginawa ni Mariano. Dahil dito, wala siyang nakikitang pag-aaklas na mangyayari laban sa gobyerno ni Pangulong Benigno “Noynoy Aquino III. Pansariling saloobin din lang umano ang inihayag ni Mariano at hindi kumakatawan sa saloobin ng buong pwersa ng AFP. Idinagdag ng opisyal na malaki na ang ipinagbago ng sistema ng AFP. Nabibigyan na rin umano ng pagkakataon ang mga sundalo na maglabas ng kanilang hinaing. Unti-unti ring inaayos ang mga proyekto at programa para sa mga sundalo katulad ng pabahay at mga benepisyo, ayon kay Armas. Sinabi naman ni T/Sgt John Pablo, walang sapat basehan ang hinaing ni Mariano lalo pa’t nararamdaman nila ngayong mga sundalo ang pagbabago. -- Balitang Amianan