ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

MMDA enforcer binaril ng sinitang motorista; suspek nadakip sa bahay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Nadakip na ang motorista na sinasabing bumaril sa enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sumita sa suspek dahil sa paglabag sa color-coding scheme nitong Miyerkules. Sa kanyang Twitter account @doblezeta, sinabi ni Yves Gonzalez, pinuno ng MMDA traffic discipline office, na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang traffic enforcer na hindi nito pinangalanan habang nagpapagaling sa ospital. "(The Philippine National Police) Highway Patrol Group has apprehended the subject vehicle and driver. MMDA Legal is heading to Camp Crame now to file charges," ayon kay Gonzalez. Sa ulat ng dzBB radio, ang suspek ay kinilalang si Edward John Gonzales na umano’y nagmamaneho ng itim na Nissan Frontier pick-up na may plate number WMD-505 na sinita ng tauhan ng MMDA sa Annapolis Street, Mandaluyong.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Matapos sitahin, sinabing tumigil muna ang suspek na si Gonzalez at sinuntok ang MMDA enforcer bago muling umarangkada. Kasunod nito ay hinabol ng MMDA enforcer ang suspek at naabutan sa Connecticut Street kung saan binaril na umano ang biktima na tinamaan sa kamay, braso at tiyan. Muling tumakas ang suspek pero nahuli ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa kanyang bahay sa Poblacion, Makati City. Hindi na umano nanlaban sa mga pulis ang suspek na positibong kinilala ng isang saksi na nagtatrabaho sa isang gas station kung saan naganap ang pamamaril. - GMA News