ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 pang natalong kandidato LP sa 2010 polls, binigyan ni PNoy ng pwesto
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Dalawa pang natalong kandidato ng Liberal Party (LP) sa nakaraang May 2010 national elections ang binigyan ng puwesto ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III. Nitong Miyerkules, inihayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na itinalaga ni Aquino bilang bagong pinuno ng Bureau of Customs si Rozzano Rufino "Ruffy" Biazon bilang kapalit ni Angelito Alvarez. Si Biazon ay kabilang sa 12 pambato ng LP sa senatorial race noong May 2010 ngunit bumagsak lang siya sa ika-14 na pwesto. Itinalaga rin ni Aquino bilang bagong deputy commissioner for intelligence ng BOC si dating Army general Danilo Lim, na kasama rin sa senatorial candidates ng LP. "Naniniwala ang Pangulo na kayang maipagpatuloy ni Mr. Biazon ang reporma sa Customs at maabot ang revenue collections. The competence of Biazon is unquestionable," ayon kay Valte. Si Biazon ay anak ng dating senador at ngayoây kongresista ng Muntinlupa na si Rodolfo Biazon. Nagpasalamat naman ang nakababatang Biazon sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Aquino. "I would like to express mine and my familyâs great appreciation to the President for the confidence he has in appointing me to this important position," pahayag ni Biazon, nagsabing malaking tungkulin ang kanyang kakaharapin sa BOC. "I would never have accepted the task if I knew I wasn't physically, emotionally, mentally, intellectually and morally prepared for it or if the President did not have the confidence in my capability, competence and character," dagdag ni Biazon. Sinabi ng opisyal na kaagad niyang ipatutupad ang reporma sa BOC at ibabangon ang moral ng mga kawani at imahe ng ahensiya. Ang iba pang natalong kandidato ng LP na nabigyan ng matapos na puwesto sa gobyerno ay sina Mar Roxas na itinalagang kalihim ng Department of Transportation and Communication at si Neric Acosta, itinalagang presidential adviser for environmental protection. Si Roxas ang naging vice presidential candidate ni Aquino, habang kasama rin sa senatorial candidates ng LP si Acosta. â GMA News
More Videos
Most Popular