ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tuloy na: VAT sa tollway, simula na sa Sabado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Huwebes na tuloy na ang pagsingil ng 12-percent value-added tax (VAT) sa tollway simula sa Sabado, Oktubre 1. Sa pulong balitaan sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, na wala ng legal na balakid para hindi ituloy ang kontrobersiyal na singil. Maaari lamang umanong hindi matuloy ang pagpataw ng VAT sa tollways kung magpapalabas ng panibagong temporary restraining order (TRO) mula sa Supreme Court. “The VAT on tolls is a different issue from toll fare hike. Whether toll will be adjusted or not, VAT will be implemented," paglilinaw ng opisyal. Ang karagdagang 12 porsiyentong masisingil sa buwis sa tollway rates ay sisingilin bilang VAT. Sinabi ni Henares na nasa desisyon ng mga tollway operator kung magtataas sila ng singil para mapunan ang panibagong singil sa buwis ng BIR. Gayunman, nagbabala si Henares sa mga tollway operator na huwag magtataas ng singil na higit sa 12 porsiyento. "That's taking advantage of the public and I would say, that's profiteering already. The increase cannot be more than 12 percent. They can state other reasons [for toll hike] but not VAT because the effect of the VAT cannot be more than 12 percent," paliwanag ni Henares. Noong July 19, nagpalabas ng desisyon ng SC na maaaring sumingil ng VAT sa tollway. Kasunod nito ang pag-alis ng TRO para bigyan-daan ang pagsingil ng BIR. Kasabay nito, kinontra ni Henares ang mga pangamba na dahil sa sisingiling VAT ay tataas ang singil sa pamasahe ng mga pampublikong sasakyan na dumadaan sa tollways at maging ang presyo ng ilang produkto. Ngunit batay umano sa komputasyon ng BIR, 1.6 sentimos lang ang dapat madagdag sa singilin sa mga pasahero sa bawat kilomentro ng toll roads. "Let's say that's more than 100 kilometers. But of that distance, the toll roads cover only a maximum of 59 kilometers. So 59 (kilometers) times 1.6 (centavos), that's only the effect on the fare for every passenger," paliwanag ni Henares sa paggamit bilang halimbawa sa pagbiyahe mula sa Pasay City hanggang Tarlac. Kung imu-multiply umano ang 59 kilomentro sa 1.6 centavos, ang kabuuang pagtaas lang sa singil ay 94.4 sentimos o wala pang P1. – GMA News
Tags: evat, tollways, oiltax