ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
P100-M tax case, isinampa ng DOJ vs Direk Carlo Caparas
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nakitaan ng basehan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng tax-evasion case laban sa manunulat at film director na si Carlo Caparas dahil sa hindi umano pagbabayad ng buwis na umaabot sa P102 milyon. Si Caparas ay naunang inimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue kaugnay sa mga lumabas na ulat na nakakuha ito ng kontrata sa Philippine Charity Sweepstake's Office na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon para sa paghawak ng dalawang shows sa telebisyon. Sinasabing kumita ng P850.95 milyon mula 2006 hanggang 2009 si Caparas bilang producer ng "Ang Pangarap Kong Jackpot" sa NBN Channel 4 at "Kroko" sa IBC Channel 13. Nagsampa ng reklamo sa DOJ ang BIR laban kay Caparas ng 12 counts ng kabiguan umano nitong maghain ng Quarterly Income Tax Returns, four counts ng kabiguang magsumite ng Annual Income Tax Returns (ITRs), at 48 counts ng kabiguang magsumite ng Value-Added Tax (VAT) Returns para sa taxable years 2006 hanggang 2009. Ngunit depensa ni Caparas, ang nakasaad na halaga sa reklamo ng BIR ay "net of taxes" na o nakalatas na ang mga buwis sa halagang natanggap niya. Sa kanyang pagkakaalam, sinabi ni Caparas na dapat kinuha na ng PCSO ang mga buwis sa ibinayad sa kanya at iniremit na ito sa BIR. Nagpakita rin ng katibayan ang tinaguring âMassacre King" â dahil sa paggawa niya noon ng mga pelikula na ang tema ay tungkol sa masaker â ng mga dokumento na magpapatunay na nagsumite siya ng mga ITR mula 2006 hanggang 2009. Ngunit sa ipinalabas na desisyon ni Senior Assistant State Prosecutor Rosanne Elepano-Balauag, sinabi nito na bagaman nagpakita ng katibayan si Caparas na nagsumite siya ng mga ITR, hindi naman ito nagpakita ng katibayan na nagsumite siya ng VAT returns. "Recognizing his obligation as a taxpayer, respondent filed his annual ITRs for taxable years 2006 to 2009 despite knowing that the payments he received from PCSO were 'net of all taxes,'" paliwanag ni Balauag. "Consistent with this premise, respondent should have likewise filed his VAT returns for the same period because he is a seller of services. Regrettably though, none was made," idinagdag ng opisyal. Dahil dito, mayroon umanong batayan para kasuhan ang direktor ng paglabag sa National Internal Revenue Code, partikular sa hindi pagsusumite ng VAT returns, na nagkakahalaga ng P101,819,722.19. Maliban dito, ang iba pang reklamo ng BIR na inihain noon kay Caparas ay pawang ibinasura. Gayunman, sinabi ni Balauag na maaaring maghain ng kani-kanilang petisyon sina Caparas at BIR kaugnay sa kanyang naging desisyon. â GMA News
Tags: carlocaparas
More Videos
Most Popular