ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Maling eco policy, dahilan daw ng pagdami ng nagugutom
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ng isang Obispo ng Simbahang Katoliko na ang maling patakaran sa ekonomiya ang dahilan ng pagdami ng nagugutom na Pilipino. Sa panayam ng isang himpilan ng radio, sinabi ni Puerto Princesa (Palawan) Bishop Pedro Arigo, na ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) sa bilang ng mga nagugutom ay indikasyon na may dapat baguhin sa pamamalakad ng pamahalaang Aquino. âHindi na kataka-taka yan. Yan ay parang natural outcome ng mga economic policies nang ating pamahalaan na pumapabor lamang sa mga kapitalista na nagreresulta ng unequal distribution of wealth," ayon sa Obispo nang makapanayam sa Radio Veritas nitong Martes. Sa survey ng SWS na ginawa nitong Sept 4-7, lumitaw na 52 percent o 10.4 milyon ang ikinukonsidera ang kanilang sarili na "poor" at "food poor." Ang naturang bilang ay mas mataas sa 49 percent o 9.8 milyon na naitala sa survey na ginawa noong Hunyo. Sa ulat ng dzBB radio nitong Martes, sinabi na hindi raw nababahala si Communication Sec Ricky Carandang sa resulta ng survey dahil pasok pa naman ang bilang sa tinawatag na âmargin of error" na three percent. Idinagdag niya na patuloy na isinasagawa ng pamahalaan ang conditional cash transfer (CCT) program upang matulungan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Pero iginiit ni Bishop Arigo, na dapat baguhin ng administrasyon ang patakaran nito sa ekonomiya na patuloy na kumikiling umano sa mga kapitalista kaysa mga manggagawa. âSana ang ating business world ay mayroon tinatawag nating corporate social responsibility. Huwag puro kita lang ang iniisip. Dapat iniisip ang karapatan at kapakinabangan ng mga manggagawa," ayon sa obispo. Hindi na umano dapat hintayin na magkaroon ng mala-âOccupy Wallstreet" protest sa Pilipinas bago kumilos ang pamahalaan na pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa. âDapat ang gobyerno ay talagang mamulat na sila. Na dapat tao ang pinagsisilbihan at hindi ang mga mayayaman. Ang common good kasi ng mga tao ang nasa-sacrifice," anang alagad ng Simbahan. Sinuportahan ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos ang pananaw ni Arigo at iginiit na dapat magkaroon ng corporate social responsibility ang mga malalaking kumpanya. Umaasa rin ang obispo na magbibigay ng nararapat na benepisyo sa mga manggagawa ang mga kumpanya at security of tenure para sa proteksiyon ng mga manggagawa. -- GMA News
More Videos
Most Popular