ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Paslit patay matapos gilitan ng leeg ng sariling ina sa Pangasinan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALITANG AMIANAN – Hinihinalang wala sa katinuan ang isang ginang nang bigla nitong hiwain ang leeg ng kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki na sanhi ng kamatayan ng bata. Kaagad na binawian ng buhay ang biktima na nakatira kasama ang ina sa Barangay Rabon sa bayan ng San Fabian sa Pangasinan. Ayon sa kanilang kapitbahay, napansin nila ang kakaibang kilos ng nanay bago mangyari ang karumal-dumal krimen. “Narinig po namin na papatayin daw po yung dalawa niyang anak at iaalay daw sa diyablo," ayon kay Ana Rose Ablog. Sa imbestigasyon ng pulisiya, lumitaw na mahimbing nang natutulog ang bata at tanging ang panganay na anak lang ang gising. Nagulat umano ang huli nang biglang ginilitan ng kanilang ina ang leeg ng kanyang batang kapatid. Nagawa nitong makatakbo at humingi ng saklolo sa mga kapitbahay para ipaalam ang ginawa ng kanyang ina sa kapatid. Ayon kay Police Officer 3 Ronald Laroco ng San Fabian police, may deperensiya sa pag-iisip ang ina. Narekober ng mga pulis ang itak na ginamit umano ng ina sa pagpatay sa sariling anak. Nakalagay ang duguang itak malapit sa hapag kainan ng pamilya. Sinabi ni Laroco na mahaharap sa kasong parricide ang ina pero bahala umano ang hukom na magdesisyon sa kaso kapag lumitaw na may deperensiya sa pag-iisip ang ina. – Balitang Amianan
More Videos
Most Popular