ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagkakaisa, simbulo ng Pasko sa mga Pangasinense


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pagkakaisa, ito ang simbolo ngayong kapaskuhan ng mga Pangasinense dahil sa kanilang pagtutulungan. At dahil dito, isang magandang obra ang kanilang mga nagawa. Sa bayan ng Asingan, bukod sa mga nagnining-ing na mga parol na nakasabit sa tabing kalsada, agaw pansin din ang mga makukulay na Christmas tree at Belen na pinagtulungang gawin ng mga residente. Pambato ng Zone 1 ang Christmas tree na gawa sa pinatuyong dahon na kinulayan ng brown at pinatingkad ito ng silver. inipon naman ng mga taga-Zone 2 ang maliliit na plastic bottles at pinagdikit-dikit para magmukhang Christmas tree. Pinag-isipan naman ng mga residente mula sa Zone 3 ang kanilang puno sa pamamagitan ng paglalagay ng makukulay na poinsettia mula sa mga ginupit at kinulayang plastic na galon. Sa Pangasinan Provincial Hospital naman sa lungsod ng San Carlos, isinisingit ng ilang nurse sa kanilang trabaho ang paggawa ng mga palamuting pamasko para sa kanilang ospital. Ang mga ginamit nilang materyales ay mula sa mga nagamit nang dextrose bottle. Ginugupit nila ito at idinidikit ang mga Christmas ball na pinalamutian ng ribbons. Dapat umanong mahilig sa fashion ang isang tao para alam ang mga disenyong gagawin na papatok sa paningin ng mga tao. Ikinakabit ang dextrose Christmas decor sa bawat pintuan ng hospital room para maipadama sa mga pasyente ang diwa ng Pasko kahit sila’y maysakit. —SMF, JFP, Glamorfe L. Calicdan/FRJ, GMA News