ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Janelle Manahan, dinala sa safehouse matapos ilabas ng ospital


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inilabas na ng ospital kahapon si Janelle Manahan, ang girlfriend ng pinaslang na aktor na si Ram Revilla, at agad siyang dinala sa isang safehouse, ayon sa ulat ng GMA News TV. Emosyonal si Janelle, 22, nang humarap siya sa mga mamamahayag matapos makalabas sa Asian Hospital kung saan siya nanatili matapos barilin ng mga suspek na pumatay sa kanyang 23-taong-gulang na boyfriend. “Hindi ko po alam nararamdaman ko ngayon. Ngayon lang po kasi nagsi-sink in talaga lahat. Hindi ko po alam,” ani Janelle sa panayam. Pinasalamatan niya ang mga taong sumuporta sa kanya habang nagpapagaling sa tinamo niyang sugat sa naganap na insidente noong Oktubre 28. “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nagdasal para sa fast recovery ko. Maraming, maraming salamat po,” aniya. Ipinangako rin ni Janelle ang kanyang kooperasyon sa nagaganap imbestigasyon sa pagpatay sa kanyang boyfriend. Aniya, “Asahan po nila ang help ko in seeking the truth and justice,” Matapos ang kanyang maiksing pahayag, agad siyang inihatid ng mga pulis sa isang safehouse.    Dawit sa krimen ang dalawang kapatid ni Ram na sina RJ at Ramona Bautista. Nakaalis ng bansa si Ramona, 22, ilang araw matapos ang krimen habang nakapiit naman si RJ, 18.     Ang magkakapatid ay half-siblings ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. Ang kanilang ama ay si dating Sen. Ramon Revilla Sr.   Patuloy namang itinatanggi ni Genelyn Magsasaysay, ina nina Ram, RJ, at Ramona, na may kinalaman ang kanyang mga anak sa naganap na krimen.   Kasalakuyang nasa pangangalaga na ng mga pulis ang apat na iba pang suspek sa krimen. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News