ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Christmas Village, panibagong atraksyon ng Baguio City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa malamig na klima ng panahon, may bagong panghalina sa mga turista ang Baguio City na lalong magpapatingkad sa diwa ng Pasko -- ito ang Christmas village. Walong maliliit na bahay ang makikita sa Christmas village na ang konsepto ay European ang dating. Bukod sa makulay na Christmas tree, mayroon din itong siyam na artificial snowman na ang pinakamalaki ay may taas na walong talampakan. Tatlong tao ang nagtulong-tulong upang mabuo ang mga ito. Eco-friendly din ang mga ginamit na palamuti sa Christmas tree dahil ang mga ito ay recycled materials na nilagyan lamang ng iba’t ibang kulay. Sinabi ni Herbert Cabajal na ginawa ang Christmas village hindi lamang para sa mga bata kundi para na rin sa mga matatanda. Dito ay maaaring maranasan ang snow fall kagaya sa ibang bansa dahil sa kanilang artificial snow machine. Aliw na aliw naman ang mga turista at walang tigil sa kanilang picture taking. “Ang pinaka-attactive sa amin itong snow. Talagang binalikan pa namin ito," ayon kay Ring Regondora, bisita sa Baguio mula sa Bulacan. -- JP/DB/FRJ, GMA News