Pangasinan Gov Espino, umalma sa umano’y black ops sa kanya
Nagsalita na si Pangasinan Governor Amado Espino Jr., kaugnay sa umanoây mga paninira na ibinabato laban sa kanya. Kabilang na rito ang nabuong Anti-Espino Tayo fan page sa Facebook, at ang kumalat na text message kamakailan na nagsasaad na idineklara niyang special non-working holiday ang Veteranâs Day gayung hindi naman nanggaling sa gobernador. âPulitika lang ito. Malinaw naman ang pakay nila pero matagal pa ang eleksyon," pahayag ni Espino. Minaliit din ni Espino ang umanoây paninira na hindi na umano bago para sa gobernador. âAng sabi lang mismanagement, jueteng lord o kung anu pa man, pero wala iyan," dagdag ng gobernador. Hamon ni Espino, hindi dapat magkubli sa social networking site at sa mga text messages ang sinumang tumutuligsa sa kanya. âNakakairita, humarap siya kahit mag-debate kami," hamon ni Espino, kasabay ng pagtiyak na hindi apektado at business as usual ang trabaho sa kapitolyo. Sinabi naman ng information officer ng kapitolyo na si Butch Velasco, na patuloy ang imbestigasyon nila para matukoy kung sino ang nasa likod ng umanoây black propaganda. Hindi naman nababahala ang kampo ng gobernador sa anti-Espino fan page sa Facebook dahil mas marami pa rin naman umano ang follower sa official Facebook page ng gobernador. â JFArcellana/GCalicdan/FRJ, GMA News