ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mahigit P130M Grand Lotto jackpot, may tumama kaya?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Umabot sa mahigit sa P130 milyong ang jackpot price para sa draw ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado . Sa draw na isinagawa nitong Sabado ng gabi (Jan 21), ang winning combination sa Grand Lotto ay 13-25-52-37-41-51. Ngunit matapos ang lottery draw na ipinalabas sa PTV4, inihayag na walang nakakuha o tumama sa naturang kombinasyon. Ang premyo ay umabot sa P130,784,439.60 Wala ring nakakuha sa kombinasyon na 31-15-30-26-19-27 para naman sa 6/42 draw na may premyong umabot sa P12,905,150.40. Samantala, ang resulta sa draw para sa 6 Digit na may P1.6 milyong papremyo ay 5-6-3-2-9-4. -- FRJ, GMA News
Tags: lotto, grandlotto
More Videos
Most Popular