ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
P197M jackpot sa Grand Lotto 6/55, tinamaan na kaya?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
May pag-asa pang mapanalunan ang mahigit P197 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 matapos walang tumama sa isinagawang draw nitong Sabado ng gabi, Pebrero 4. Sa live draw na ipinalabas sa government TV station PTV-4, ang winning combination para sa 6/55 draw ay: 48-04-07-16-09-01. Sa darating na Lunes ang susunod na draw para Grand Lotto, kunsaan inaasahan na aabot na sa mahigit P200 milyon ang premyo. Samantala, wala ring nakatama sa winning combination ng 6/42 draw na: 02-23-19-39-26-05. Ang jackpot prize sa 6/42 ay nagkakahalaga ng P6.6 milyon. - FRJimenez, GMA News
Tags: lotto, grandlotto
More Videos
Most Popular