ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tungkol sa 'sex change’: Bill nina Escudero, Trillanes, pinalagan ng gay rights group


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang gay rights group ang pumalag sa inihaing panukalang batas sa Senado na magpapahirap umano sa mga transgender na magpapapalit ng kasarian sa kanilang birth records lalo na kung ito ay magpa-sex change. Sa isang pahayag nitong Miyerkules, iginiit ng Progressive Organization of Gays (ProGay Philippines), na ang Senate Bill 3133 na inihain nina Sens Francis Escudero at Antonio Trillanes, ay hahadlang sa karapatan ng mga transgender na magpapalit ng kanilang kasarian sa legal na dokumento. Sa ilalim ng SB 3133, binibigyan pahintulot ang city o municipal civil registrar o ang consul-general na magtama ng clerical o typographical errors sa mga tala sa araw, buwan sa kapanganakan o kasarian ng isang tao kung may pagkakamali sa civil register. Layunin ng panukalang batas na mapadali ang proseso ng pagtutuwid sa mga tinatawag na “clerical error" upang hindi na ito dumaan sa utos ng korte. Ngunit pinuna ng ProGay ang isang probisyon sa SB 3133 na nagtatakda na dapat may kasulatan mula sa government physician na magpapatunay kung ang isang tao na magpapalit ng kasarian ay hindi dumaan sa sex change o sex transplant. "This is a truly disgusting slap on us transgenders by the government and especially Senator Escudero who we mistook for being a champion of the marginalized sectors like the LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender)," ayon kay Goya Candelario, tagapagsalita ng ProGay. Idinagdag ng grupo na ang panukalang batas ay lalong magpapahirap sa mga transgender na makamit ang kanilang karapatan na magpapalit ng kasarian. Iginiit nila na ang gender testing ay taliwas sa rekomendasyon na isinumite sa United Nations Human Rights Council sa Geneva para sa ikalawang Universal Periodic Review of the Philippine Republic's Human Rights Violations na gagawin sa May 2012. "These transphobic medics perform unethical procedures on LGBT. So now people, whether transexual or not, can be exposed to even more invasive and costly medical exams that are not scientific anyway," ani Cadelario. “Testing will impose more financial burdens and open the door to more opportunities for corruption and unethical practices. And soon all government agencies will want to have gender testing for their services and documents. The horrors will never stop," dagdag niya. Nanawagan ang ProGay na ibasura ng Senado ang SB 1333, at sa halip ay pagtibayin ang anti-discrimination bill na magbibigay umano ng patas na proteksiyon sa lahat ng kasarian. -- FRJ, GMA News