ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNoy nangangarap pa ring makapag-asawa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Determinado pa rin si Pangulong Benigno Aquino III na makapag-asawa dahil naniniwala siyang mas lalo siyang magiging mabuting pinuno ng bansa kung mayroon siyang “inspirasyon.”   "Given the burdens of this office, if there was someone you could confide in, someone you could talk to, someone who would tell you, 'you are still doing okay', then of course, that would a key to your inspiration," aniya sa isang panayam ng mga mamamahayag. Ayon kay Aquino, na nagdiwang ng kanyang ika-52 kaarawan kamakailan, ilang taon na siyang naghahanap ng mapapangasawa ngunit wala pa siyang nahanap. "I have been planning this for a long time, since college even. But I just have been unlucky," aniya.   Kamakailan, kinumpirma ni Aquino na nakikipag-date siya kay Grace Lee, ang 29-year-old na TV host ng GMA News TV.   Ipinanganak sa South Korea si Lee ngunit lumipat ang kanyang pamilya sa Pilipinas noong siya ay bata pa. Nitong nakaraang taon, inihayag ni Aquino na mananatili siyang single hanggang matapos ang kanyang pagkapangulo sa 2016 sapagkat masyado pa siyang abala sa kanyang trabaho. Subalit isa sa kanyang mga kapatid ang naghayag sa media noong 2010 na nakipag-date si Aquino sa tatlong babae na mas bata sa kanya, kabilang na ang kanyang personal stylist, noong nagsisimula pa lamang ang kanyang termino bilang pangulo ng bansa. – Amanda Fernandez/KBK, GMA News