ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNoy, hinimok ni Cruz na sariwain ang diwa ng EDSA 1


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinimok ng isang obispo ng Simbahang Katoliko si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, na sariwain ang diwa ng EDSA People Power I revolution para gawing gabay sa pamamahala ng bansa. Makalipas ng 26 na taon mula nang maganap ang EDSA 1, sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., na hindi pa rin umuusad ang pamumuhay ng maraming Pilipino. Puna ng Obispo, nakalulungkot umano na marami pa rin ang naghihirap at talamak pa rin ang katiwalian sa gobyerno. “Para tayong mga Israelita noon, pinalaya ng Panginoon at natuwa sa kanilang paglaya pagkatapos ay paulit-ulit pa ring nagba-back-slide kung kaya’t hindi pa rin malayo ang nararating natin," pahayag ni Bacani sa panayam ng Radyo Veritas nitong Huwebes. “Ang pinakamalaking indicator niyan, ang ating level of poverty hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago. Ikalawa, ang kurapsyon sa political system at sa ating business world ay napakatindi pa rin," dagdag niya. Puna ng obispo, napalitan lamang ang mga pangunahing tauhan sa ilalim ng diktaturyang Marcos at sila naman ngayon ang naghahari sa bansa. Dahil dito, hinimok ni Bacani si Aquino na sariwain ang diwa ng EDSA 1 sa pamamagitan ng pagpapakita ng tunay na maayos na pamumuno sa bayan. Sinabi ni Cruz na mahalagang maramdaman ng mga mamamayan na ang pangulo ay tunay na may malasakit sa mga mahihirap at hindi lang lider para sa iilan. -- MP/FRJ, GMA News