ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ramona Bautista, suspek sa pagpatay kay Ramgen, isinama na sa INTERPOL Wanted List
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isinama na ang pangalan ng isa sa mga suspek sa pagpatay kay Ramgen Revilla na si Ramona Bautista, kapatid ng yumaong aktor, sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) Wanted List.
Maliban kay Ramona, 23, suspek din sa pagpatay ang isa pang kapatid ni Ramgen na si RJ Bautista, na nauna nang inaresto ng Parañaque Police. Si RJ ay naghain na ng not guilty plea kasama ng iba pang mga suspek na si Ryan Pastera, Galiza Vista at Norwin Dela Cruz. Sina Ramgen, Ramona at RJ ay pawang mga anak ni dating Senador Ramon Revilla kay Genelyn Magsaysay.
Inatasan umano ng magkapatid na Bautista sina Pastera, Visda at Dela Cruz sa pagpatay kay Ramgen sa loob ng kanyang bahay sa Parañaque sa Oktubre 28, 2011.
Nakaligtas ngunit nabaril sa mukha naman si Janelle Manahan, girlfriend ni Ramgen, na kanyang kasama sa loob ng bahay nang maganap ang pagtambang. Suma-ilalim sa reconstructive surgery si Manahan.
Red Notice List
Ayon sa INTERPOL mechanism, kabilang na rin si Ramona sa Red Notce List. Maisasama sa INTERPOL Red Notice ang isang tao base "on a court decision for a person wanted to serve a sentence."
"These red notices allow the warrant to be circulated worldwide with the request that the wanted person be arrested with a view to extradition," ayon sa INTERPOL.
Naunang inihayag ni Ramona sa mga pulis na na-kidnap umano siya ng mga pumatay sa kanyang kapatid, ngunit binawi rin naman niya ang pahayag na ito sa cable news channel ANC na hindi siya na-kidnap. Inihayag niya ito bago umalis patungong Hong Kong noong Nob. 4 at pinaniniwalaang tumungong Turkey kung saan andun ang kanyang asawa.
Walang extradition treaty ang Pilipinas kasama ang Turkey. Kung walang extradition treaty, hindi maaaring hilingin ng requesting country sa kapares na bansa na arestuhin ang suspek na pinaghahanap.
Layunin ng INTERPOL na "to assist the national police forces in identifying or locating those persons." Sa kabila nito, innocent until proven guilty pa rin si Ramona.
Naunang inilagay ng INTERPOL si Ramona sa Blue Notice watch list noong Nob. 9 matapos humiling ang National Bureau of Investigation (NBI) sa international agency na ihayag sa mga miyembro nito na pinaghahanap si Ramona para sa imbestigasyon ng pagkamatay ng kanyang kapatid.
Nitong Nobyembre, hiniling ni Justice Secretary Leila de Lima sa NBI na ilagay si Ramona sa INTERPOL Red Notice list upang maaresto si Ramon.
Ayon sa NBI, hindi nito maaaring hilingin sa INTERPOL na hanapin si Ramona sapagkat wala pang arrest warrant na inihain laban sa kanya. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: ramgenrevilla, ramonabautista
More Videos
Most Popular