ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dating Manila Mayor Lito Atienza, tetestigo sa Corona trial


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tetestigo ngayong Biyernes sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona si dating Manila Mayor at Environment Secretary Lito Atienza. Sa isang interview, kinumpirma ni Atienza ang kanyang pagharap sa impeachment court bilang testigo ng defense panel sa paglilitis Biyernes ng hapon. Ayon kay Atienza, sasabihin niya sa korte ang pagbili ng Manila government ng P34-milyong ari-arian mula sa negosyo ni Gng. Cristina Corona na Basa-Guidote Enterprise Inc. Paliwanag ni Atienza, ginawang Sampaloc Market ang 1,020-square meter na biniling property. [Yung transaction] 1999 nag-umpisa yan... na-culminate 'yan 2001," aniya. Ayon kay Atienza, kay Gng. Corona niya ipinangalan ang check na kanyang ibinayad para sa Basa-Guidote firm. Isinagawa ang final deed of sale noong 2001. Sa kabila ng boluntaryo niyang pagharap sa korte matapos siyang imbitahan ng defense team noong nakaraang linggo, nilinaw ni Atienza na ang kanyang pagtayo sa witness stand ay hindi nangangahulugang pumapanig siya sa impeached chief justice. "I'm going to tell the truth... exactly what happened at ang participation ng city office under me and [to] authenticate whatever evidence [will] be presented with regards to our participation," aniya. Sa kanyang 2004 Statament of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), nagdeklara si Corona ng P11-milyong utang mula sa Basa Guidote. Ipinagpatuloy ang kanyang pagdeklara ng loan na ito sa kanyang liability hanggang 2009. Nauna nang kinuwestiyon ng prosecution kung paano nakapagbigay ng pondo ang Basa-Guidote firm kung na-revoke na umano ang lisensya nito. Ang isinagot ng defense team: mayroon itong pondo mula sa sale ng kanilang ari-arian. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News