ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dahil daw sa bikini picture sa Facebook, HS student sa Cebu, 'di isinama sa graduation march


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang high school student na babae sa Cebu ang hindi umano pinayagang makapagmartsa sa nalalapit na graduation ceremony dahil daw sa paglalagay nito ng litrato na naka-bikini sa Facebook. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, ipinaliwanag umano ng abogado ng Saint Theresa's College sa Cebu City, na obligasyon ng eskuwelahan na tiyaking nahuhubog nila ang kagandahang asal ng kanilang mga estudyante. Samantala, naghain naman ng reklamo ang mga magulang ng estudyante laban sa eskuwelahan. Iginiit nila na walang basehan ang pagpapataw ng ganung parusa sa kanilang anak. Inaasahan na magpapalabas ng desisyon ang korte tungkol sa naturang usapin bago ang nakatakdang graduation ceremony sa darating na Biyernes. Titingnan din umano ng Department of Education kung makatwiran ang parusang iginawad ng eskuwelahan sa mag-aaral. - FRJimenez, GMA News

Tags: cebu, graduation