ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nagbibisikletang lolo, nasawi nang nasagasaan ng trak sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 76-anyos na lalaking nagbibisikleta nang mahagip ito at magulungan ng trak sa Urdaneta, Pangasinan. Sa ulat ng GMA News TV Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing tumigil sa gilid ng kalsada sa Brgy. Cabaruan, si Valerio Pico, 76-anyos, nang makita nito na may paparating na trak na minamaneho ni Joplin Macabitas. Kwento ng kaanak ng biktima, nasagi ng trak ang manibela ng bisikleta ni Pico na dahilan para ito matumba at saka nagulungan. Kaagad na nasawi ang biktima, habang sumuko naman sa pulisya si Macabitas na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. Lumitaw din sa imbestigasyon na wala itong lisensiya para magmaneho. Sa Urdaneta pa rin, tatlong sasakyan ang nabangga ng isang pampasaherong jeepney na minamaneho ni Anthony Sarmiento, na umaming nakainom ng alak. Napag-alaman kay P02 Joedie Oli, ng Urdaneta police, na unang nasagi ni Sarmiento ang isang AUV na hindi nito hinintuan. Pagsapit sa intersection ng MacArthur Highway, nabangga naman ni Sarmiento ang sinusundang motorsiklo, na sumalpok naman sa isang tricycle. Pawang nasaktan ang rider ng motorsiklo at dalawang sakay ng tricycle. Nadakip naman si Sarmiento na nagdahilan na, “nakainom lang ako, siyempre medyo biglaan lang yung dating - RUmangay/FRJ, GMA News