ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Masyado pang maaga na pag-usapan ang pulitika, ayon kay De Lima


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagtataka umano ni Department of Justice Secretary Leila de Lima kung bakit pinag-uusapan na ang pulitika ngayon gayong matagal pa ang halalan. “It’s too early for 2013 (polls) much more so with 2016. I don’t know why there’s too much politicking though it’s normal," paliwanag ng kalihim nang matanong ng media sa Dagupan, Pangasinan kung may plano siyang kumandidato sa 2013 elections. Kabilang ang pangalan ni de Lima sa mga matunog na posibleng maging kandidatong senador ng Liberal Party (LP) na kinaaniban ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III. Bagaman hindi pa umano siya nakapag-dedesisyon tungkol sa pagpasok sa pulitika, sinabi naman ni de Lima na susundin niya anuman ang magiging utos sa kanya ng pangulo. Sinabi ng kalihim na hindi siya papasok sa pulitika nang walang basbas ng pangulo na ang termino ay magtatapos sa 2016. Idinagdag ng opisyal na mas uunahin muna niya ngayon ang trabaho sa halip na mamulitika. Tumanggi naman si De Lima na tukuyin kung sino ang mga maagang namumulitika. “I don’t want to drop names kung sino man ang mga namumulitika. Alam niyo kung sino sila," ayon sa kalihim na bumisita sa Dagupan kaugnay ng ginaganap ang kapistahan sa lungsod. Sinabi ni Dagupan mayor Benjie Lim na nagustuhan ni de Lima ang mga ipinagmamalaking seafoods ng lungsod lalo na ang alimango at sugpo. -- JFPonsoy/GLCalicdan/ FRJ, GMA News