ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng hinihinalang lasing, patay nang masagasaan ng bus sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang 32-anyos na babae na pinapaniwalaang lasing matapos siyang masagasaan ng isang pampasaherong bus sa Santa Barbara, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Biyernes, kinilala ang biktima na si Maribel Dacasin, 32-anyos. Ayon kay PO1 Erwin Catugas, imbestigador ng Sta. Barbara police, bago maganap ang aksidente sa Brgy Tebag West dakong 2:00 a.m., ay nakita pa umano ang biktima na nakikipagtalo sa kasama nitong lalaki. Sinasabing galing sa inuman ang dalawa at iniwan ang babae nang tumanggi ang biktima na pumayag sa kasamang lalaki na umuwi na. Nanawagan naman ang pulisya sa drayber ng bus na kusang sumuko at panagutan ang nangyaring aksidente. "Hindi pa kumpleto ang imbestigasyon namin kung ano talaga ang nakasagasa. Maaaring galing Maynila papuntang Dagupan," ayon kay Catugas. -- ATulagan/MSabado/GLCalicdan/FRJ, GMA News -