ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Opisyal ng militar, tinanggal sa pwesto kasunod ng madugong ambush sa CamNorte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inalis sa pwesto ang isang battalion commander ng Philippine Army matapos mapatay ang apat na sundalo at isang sibilyan sa ambush noong Linggo sa Camarines Norte. Ayon kay Major General Josue Gaverza ng Army's 9th Infantry Division, tinanggal sa pwesto si Lt. Col. Epimaco Macalisang, commander ng 9th Infantry Battalion commander, dahil sa kanyang "lapses" na nagresulta sa pagkamatay ng lima katao sa ambush. “Of course, standard ‘yun. If it’s a debacle, he should be replaced. Ganoon naman ang rules sa military," ayon kay Gaverza. Nitong Linggo, napatay ang apat na sundalo sa ilalim ng unit ni Macalisang at isang hindi pa nakikilalang sibilyan sa pananambang ng hinihinilaang mga miyembro ng New People's Army (NPA) sa bayan ng Labo. Dagdag ni Gaverza, pinag-aaralan pa kung dapat ding tanggalin sa posisyon ang mga mas mataas na opisyal sa unit dahil sa insidente. Binigyan na umano ng pinansyal na tulong ang pamilya ng mga biktima habang tinutugis ang mga nagsagawa ng ambush. – MFernandez/FRJ, GMA News