ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sanggol na itinapon ng inang Pinay sa garbage chute sa UAE, nailabas na ng ICU


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ligtas na ang bagong panganak na sanggol na itinapon ng sarili niyang ina sa garbage chute mula sa 9th floor ng isang gusali sa Sharjah sa United Arab Emirates (UAE). Sa ulat ng online news na Emirates 24/7 nitong Miyerkules, sinabing batay sa impormasyon mula sa mga opisyal ng ospital, inilipat na ang sanggol sa pediatrics ward mula sa intensive care unit (ICU). Ito ay matapos na maging matagumpay ang ginawang hakbang ng mga duktor upang mapigil ang pagdurugo sa utak ng sanggkol, ayon pa sa ulat. Nakasaad din sa ulat ang panayam ng Arabic newspaper Alittihad sa hospital director na si Dr. Aref Al Nourani na nagsabing umaabot na ng tatlong kilograms ang bigat ng sanggol. Kinakailangang manatili muna ng sanggol sa pediatrics ward ng pito hanggang 10 araw bago siya ipaubaya social care center. Lumitaw sa pagsusuri na nagtamo ng fractured skull, internal bleeding at infection ang sanggol. Ngunit hindi naman nagkaroon pinsala ang kanyang puso at baga. Nakita ang sanggol sa loob ng isang garbage bag noong Abril 24. Agad itong ipinagbigay-alam ng building watchman sa pulis at dinala ng paramedics ang sanggol sa ospital. Sa imbestigasyon, napag-alamang Filipina ang ina ang sanggol na nadakip ng pulisya ilang oras matapos ang pagtapon sa anak. Sinasabing ibinalot ng 26-taong-gulang na Pinay, nagtatrabaho sa UAE bilang kasambahay, ang kanyang sanggol sa aluminum foil at plastic bago niya ito itapon sa basurahan. - MFernandez/FRJ, GMA News