ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Isa pang suspek sa pagpatay sa Palawan broadcaster, arestado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumagsak nitong Linggo sa mga kamay ng mga awtoridad ang isa pang suspek sa pagpatay sa environmentalist at brodkaster na si Gerry Ortega sa Palawan nong  Enero ng nakaraang taon. Naaresto ng mga pulis si Percival Lecias sa Barangay Caniogan sa Pasig City bandang 4:35 ng madaling araw, ayon sa ulat ng radio dzBB. Dadalhin si Lecias, na kilala rin sa pangalang "Val," sa Puerto Princesa upang kanyang harapin ang kasong murder, ayon sa ulat. Kabilang ang ilang miyembro ng Special Operations Group and Criminal Investigation and Detection Group ng Puerto Princesa City pulis sa mga umaresto sa kanya. Noong Abril, sumuko si Arturo Regalado, isa pang suspek sa pagpatay kay Ortega, sa mga awtoridad. Sumuko si Regalado matapos ang isang negosasyon kasama ang special operations group at ng mga pulis ng kanilang lokal na pamahalaan. Noong Marso, inaresto ng mga pulis si dating Palawan administrator Romeo Seratubuas sa Puerto Princesa City. Kasalakuyan pang pinaghahanap sina dating Palawan governor Joel Reyes at ang kapatid nito na kasalakuyang alkalde ng Coron town na si Mario Reyes Jr. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News