ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
DOLE, inaasahan ang pagdami ng mga Pinoy sa Kurdistan, Iraq
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inaasahang patuloy na madaragdagan ang 200 Pilipinong natala ng Department of Labor and Employment na nagtatrabaho sa Kurdistan matapos ibasura ng Philippine Overseas Employment Administration ang deployment ban sa rehiyong iyon sa Iraq.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, maaaring magresulta ito sa mas maraming Pilipino na magtatrabaho sa hilagang bahagi ng Iraq. Inaprubahan ang Memorandum Circular No. 4 ng POEA noong Abril 27 para muling buksan ang daan para sa deployment ng mga Pinoy sa Kurdistan.
“Lifted na (ang) deployment ban to Kurdistan, Iraq (ng) POEA, so open ang employment opportunities sa Kurdistan (The POEA has lifted the deployment ban to Iraq so we expect employment opportunities in Kurdistan),” ani Valte sa dzRB radio.
Noong Abril 24, inirekomenda ng DFA ang pagsasantabi ng deployment ban sa Kurdistan sapagkat ligtas na umano ang lugar na ito para sa mga Pilipinong manggagawa.
“Kurdistan region is relatively safe and therefore because of the demands of jobs in the area, (we will) allow our workers to work and stay in that region," ani Hernandez sa isang press briefing.
Nagtatrabaho ang mahigit 200 Pilipino sa Kurdistan sa oil, telecoms, at hotel industries.
Patuloy pa rin ipinapatupad ng Pilipinas ang deployment ban ng mga Pilipino sa ibang bahagi ng Iraq sapagkat mataas pa rin ang tensyon mula sa pag-alis ng mga American troops noong Disyembre ng nakaraang taon.
Mahigit 4,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Iraq habang nananatili pa ang US sa bansa. Nang umalis ang mga American, pinili ng ilang Pilipino na manatili upang magtrabago sa kanilang dayuhang contractors. — Amanda Fernandez/ELR, GMA News
More Videos
Most Popular