ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ombudsman panel: 'Unexplained wealth' ni Corona, maaaring umabot ng P677M


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maaaring umabot ang unexplained wealth ni Chief Justice Renato Corona ng P677 milyon, ayon sa ulat ng panel of investigators mula sa Office of the Ombudsman. Inilabas ng mga pinuno ng House of Representatives sa media nitong Miyerkules ang nasabing ulat. Ipinasa ng Office of the Ombudsman ang kopya ng ulat kay Speaker Feliciano Belmonte Jr. noong Biyernes. Nakuha ng panel of investigators ang halagang ito mula sa kabuaan ng mga sumusunod:

  • Net increase sa net worth ni Corona base sa kanyang statements of assets, liabilities at net worth o SALN (P8,970,980);
  • Umano'y discrepancy ng bank deposits ni Corona na nakadeklara sa kanyang SALN (P36,770,878.35);
  • Bank transactions ni Corona mula Abril 14, 2003 hanggang Disyembre 22, 2011 ($10 million or P420 million); at
  • Peso bank transactions ni Corona mula Abril 16, 2003 hanggang Peb. 9, 2012 (P242 million).
Mula sa mga halagang ito, ibinawas ng panel ang kabuaang income ni Corona at ng kanyang asawang si Cristina, na umaabot ng P30,368,120.13. Kabilang sa special panel of investigators ng Ombudsman sina Christopher Soguilon, Ferdinand San Joaquin, R Epicurus Charlo Salcedo, Rholie Besoña at Moses Buzmion. Nauna nang hiniling ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Corona na ipaliwanag ang kanyang kayamanan. Hindi sumagot si Corona sa liham ni Morales sapagkat wala umanong jurisdiction ang kanyang opisina sa punong mahistrado, na isang impeachable na opisyal. — Amanda Fernandez/ELR, GMA News