ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

10 bayan sa Pangasinan, tinututukan dahil sa dengue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sampung bayan sa Pangasinan ang tinututukan ngayon ng Provincial Health Office dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue ngayong taon. Mula Enero hanggang Abril ngayong taon, umabot na sa 462 ang kaso ng dengue sa lalawigan. Nakapagtala ang San Carlos City ng pinakamataas na kaso ng dengue na umabot sa 31, at sinundan ng mga bayan ng Lingayen (28), Santa Barbara (26), at Bayambang (21). Isa naman ang naitalang namatay dahil sa dengue sa Bugallon. Ang mga bayan na binabantayan dahil sa dengue ay ang: 1. San Carlos City = 31 cases 2. Lingayen = 28 3. Sta. Barbara = 26 4. Bayambang = 21 5. Binmaley = 17 6. Bugallon = 16 7. Asingan = 15 8. Rosales = 13 9. Alaminos city = 11 10. Urdaneta city = 10 source: PHO as of April 30, 2012 Ayon kay Dra Anna De Guzman, Provincial Health Officer II, mas mataas ang kaso ng dengue cases ngayon kumpara noong nakaraang taon para sa kaparehong panahon. Kabilang naman ang barangay Libsong East sa Lingayen ang nagkaroon ng mataas na kaso ng dengue. Isa sa mga tinamaan ng dengue ay ang walong buwang gulang na si Jesselyn Mendoza. Ayon sa ama ng bata, dumudugo ang ilong nito, nilalagnat sa gabi at nagsusuka. Samantala, apat na araw nang nakaratay sa ospital si Princess Paglingayen matapos tamaan din ng dengue. Hinala niya, ang baradong kanal sa kanilang lugar ang pinamamahayag ng mga lamok na nagdadala ng sakit. Ayon sa PHO, inalerto na nila ang mga bayang nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue na paghandaan ang nalalapit na tag-ulan. “Ang prevention talaga ng dengue ay kalinisan, environmental sanitation. Sa mga munisipyo, patuloy kaming nakikipag-ugnagyan na bantayan na nila ang mga lugar habang papalapit ang tag-ulan," ayon kay De Guzman. -- ALF/Barry/FRJ, GMA News