ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Vic Sotto, pinag-iisipang tumakbo bilang senador o QC mayor — Tito Sotto
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Maaaring sumabak na rin sa mundo ng politika ang comedian at aktor na si Marvic "Vic" Sotto.
Ayon sa ulat ng 'Balitanghali' ng GMA News TV, inihayag ni Senate Majority Leader Vicente "Tito" Sotto III sa dzBB radio noong Linggo ang posibilidad na pagtakbo ng kanyang kapatid para sa lokal o pambansang posisyon.
Kasalakuyan pa nilang pinag-iisipan kung tatakbo si Vic bilang mayor ng Quezon City o senador, ayon kay Sen. Sotto.
"Wala pang announcement, wala pang desisyon," aniya. "Pinag-uusapan [palang]."
Sa posibilidad ng kanyang pagtakbo, maaaring makaharap ni Vic ang kasalakuyang Quezon City Mayor na si Herbert Bautista sa darating na 2013 eleksyon.
Inihayag na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa 'Balitanghali' ang kanyang pagnanais na ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan bilang mayor ng kanyang lungsod.
Nang tanungin kung tatakbo ba siya ulit bilang mayor, isinagot niya: "Of course, marami tayong mga programang na-launch na, lalo na para sa mga mahihirap nating kababayan."
Sa kabila nito, inihayag niya ang kanyang paghanga kay Vic. "Idol ko 'yan, hanga ako sa kanya," aniya.
"Si Bossing naman, si Vic, matagal ko na 'yang nakakasama 'yan. Mga 8 years na kaming magkasama. Mula ng 1978 hanggang 1986, nakasama ko 'yan," dagdag niya.
"Marami naman akong natutunan sa kanya. He is a good manager, he is a good person, matulungin siyang tao," aniya. "Alam kong marami siyang natutulungan." — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular