ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Corona, nasa ICU dahil sa posibleng heart attack – SC spokesman


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isinugod si Chief Justice Renato Corona sa intensive care unit ng The Medical City sa Pasig City dahil sa posibleng heart, ayon kay Supreme Court spokesman Midas Marquez nitong Miyerkules ng umaga. Dinala si Corona sa ospital noong Martes ng gabi matapos magreklamo ng pagkahilo habang siya'y tumestigo sa kanyang sariling impeachment trial sa araw ding iyon. Sa telephone interview ng ANC, sinabi ni Marquez na kanyang binisita si Corona noong Martes ng gabi. Kinausap niya ang punong mahistrado sa kanyang pagbalik sa Senado para sa pagpapatuloy ng kanyang testimonya ngayong Miyerkules. Nasa ospital siya hanggang 11 Martes ng gabi . "When I got home, I received the disturbing news that he was wheeled to the ICU for a possible heart attack," ani Marquez. Nauna nang inihayag ng kanyang mga abugado na nakaranas ng low blood sugar si Corona matapos magbigay ng halos tatlong-oras na opening statement sa kanyang pagtestigo sa kanyang impeachment trial. Ayon kay Marquez, inihayag umano ng mga kamag-anak ni Corona na dati nang dumaan sa double bypass operation ang punong mahistrado. Mahina rin umano ang kanyang kidneys at may iba pang sakit. Kwento Marquez, naka-sedate si Corona nang dumating siya ng ospital. "Kinda groggy" rin umano ito nang kausapin niya Martes ng gabi. "He asked me about the hearing tomorrow. I told him if he's physically able to attend, it would be best because the senators are waiting for him," ani Marquez. "I thought he would be alright already," dagdag pa ni Marquez. Binalaan na ni Senate President at presiding officer Juan Ponce Enrile ang defense team na maaari nilang tanggalin ang naging testimonya ni Corona sa court records kung ito sisipot sa trial ngayong Miyerkules. Magdedesisyon ang senator-judges base sa nakaraang ebidensya kung hindi babalik ng impeachment court ang mahistrado para sa kanyang cross-examination, ayon kay Enrile. Hindi ikinatuwa ni Enrile ang huling pananalita ni Corona sa kanyang mahabang opening statement na nagsasabing: "And now the chief justice of the Republic of the Philippines wishes to be excused."  Matapos ito, nagmadaling maglakad paalis ng Senate hall sa kabila ng panawagan ng Senate President na bumalik sapagkat hindi pa siya na-discharge bilang testigo. Nakabalik sa Session hall si Corona matapos ang isang oras. Nanatili siyang tahimik habang pinagsabihan ni Enrile si lead defense counsel Serafin Cuevas sa naging aksyon ng kanyang kliyente. Samantala, sinabi ni Marquez na kasama ni Corona sa ospital ang kanyang asawang si Cristina at ang kanilang dalawang anak. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News