ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Corona, 'di maaring payagang dumalo sa paglilitis ngayong Miyerkules


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinakailangan umanong sumailalim sa 48-oras na obserbasyon si impeached Chief Justice Renato Corona at hindi maaaring mapayagang makabalik sa Senado para sa kanyang paglilitis ngayong Miyerkules ng hapon. Inihayag ito ng kanyang mga doktor sa The Medical City sa Pasig City, kung saan dinala si Corona matapos siyang dumanas ng pagkahilo habang tumetestigo sa impeachment trial noong Martes. Sa ulat ng radio dzBB, inihayag ni Dr. Eugenio Ramos, SVP for medical services ng The Medical City, na posibleng nakaranas ng acute coronary syndrome o heart attack si Corona kaya kinakailangan umanong sumailalim ang punong mahistrado sa obserbasyon. Sa kabila nito, naging "stable" na ang vital signs ni Corona nitong Miyerkules ng umaga, ayon kay Ramos. Dinala si Corona sa intensive care unit (ICU) ng ospital dakong ala-1 ng madaling araw ngayong Miyerkules. Dagdag pa niya, naging diabetic si Corona ng 20 taon, at nagkaroon ng dalawang heart bypasses noong 2005 at 2008, ayon sa kanya. "We have to consider him a very high-risk patient," aniya. Ayon kay Ramos, ang pagiging diabetic ni Corona ay maaaring madulot ng "complications involving both the kidneys and heart." Samantala, inihayag din ni Lia Mañalac del Castillo ng GMA News sa kanyang Twitter account na nais umano ng mga doktor ni Corona na obserbahan ang punong mahistrado sa ICU ng 48 oras, at hindi maaaring dumalo sa kanyang paglilitis ngayong Miyerkules. — Amanda FErnandez /LBG, GMA News