Jessica Sanchez, pinuri ng Palasyo, VP Binay
Hindi man siya naging grand winner sa Season 11 ng "American Idol," siguradong magkakaroon ng magandang career ang Filipino-Mexican-American singer na si Jessica Sanchez dahil sa talentong kanyang ipinamalas," pahayag ng Malacañang nitong Huwebes. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, sa edad na 16, nakuha na niya ang kalooban at suporta ng mga Pilipino sa buong mundo. "Throughout her long, arduous journey, people considered Ms. Sanchez a performer imbued with an extraordinary gift of music and heart. This is only the beginning for Ms. Sanchez whose incredible talent has been recognized and appreciated the world over," ani Valte. Si Sanchez ang first runner-up sa katatapos lamang na "American Idol." Binati rin ni Vice President Jejomar Binay si Jessica sa kahanga-hangang talento. "Hindi man pinalad si @JSanchezAI11 bilang American Idol, sa puso ng bawat Pilipino, siya pa rin ang nagwagi. Like other talented kababayans, she makes us proud to be Filipinos," inihayag niya sa kanyang Twitter account. "Jessica’s amazing journey on #AmericanIdol showcased not just her talent, but the spirit of #bayanihan shown by every Filipino who supported her. Mabuhay ka, Jessica," dagdag pa niya. Samantala, patuloy pa rin namang ipinagmamalaki si Jessica ng kanyang mga kamag-anak at taga-suporta sa Bataan, na probinsya ng ina ni Sanchez, sa kabila ng naging resulta sa botohan. Ayon sa kanyang mga tagahanga sa Samal, Bataan, na bayan ng kanyang ina, dapat umanong nanalo si Jessica dahil mas masigasig siya kaysa sa nanalong si Phillip Phillips. "Kahit bitter kami ngayong umaga sa naging result, ito pa rin buo pa rin ang suporta namin," ayon sa isang taga-suporta. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News