ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unggoy na umatake sa batang babae sa S.Cotabato, may nabiktima muli


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Not once, but twice. Isa na namang bata ang inatake ng unggoy na una nang iniulat na nakakagat at nakakalmot sa mukha at katawan ng isang batang babae sa South Cotabato noong nakaraang linggo. Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing ipinaubaya na ni Gng. Rhoda Lumbania ang kanyang alagang unggoy sa Municipal Environment and Natural Resources ng Tampakan, South Cotabato. Ito ay matapos atakihin ng unggoy noong nakaraang linggo ang isang taong gulang na anak ng kanyang kapitbahay sa Coronadal na si Princess. (Basahin: Batang babae, sugatan sa pag-atake ng unggoy) Pero habang inihahanda ang kanyang kulungan sa Menro-Tampakan, napalapit umano sa unggoy na nakatali ang anim na taong gulang na si Stephen Calixto. Gaya ng nangyari kay Princess, kagat at kalmot din sa mukha at katawan ang sinapit ni Stephen sa unggoy. Dahil sa nangyaring insidente, labis ang sama ng loob ng ina ng biktima na si Filipinas Calixtro. Hindi raw dapat hinayaan sa labas lamang ng kulungan ang unggoy dahil na rin sa ginawa nito sa bata sa Coronadal. Pero paliwanag ng Menro, inihahanda nila ang kulungan ng unggoy nang mangyari ang insidente. Handa naman silang magbigay ng tulong sa pagpapagamot sa bata. Nauna nang sinabi ni Lumbania na dating maamo ang unggoy pero naging mabangis magmula nang batuhin ng ilang kabataan sa kanilang lugar. -FRJimenez, GMA News