ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Zubiri, kinuha ng UNA dahil sa kanyang pera, ayon kay ex-Sen. Nene Pimentel


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pera umano ang dahilan kaya isinama ng United Nationalist Alliance (UNA) si dating Senador Juan Miguel Zubiri sa listahan ng senatorial candidates para sa 2013 midterm elections. Ito ang inihayag ni dating Sen. Aquilino "Nene" Pimentel Jr., ama ni incumbent Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III, na lantarang tumututol na makasama sa senate ticket ng UNA si Zubiri. "I concede that Migz Zubiri – who UNA prefers over Koko – has one advantage over the latter. And that is simply m-o-n-e-y," nakasaad sa ipinalabas ng nakatatandang Pimentel nitong Miyerkules. "I cannot accept that decision of UNA in good conscience. There is not much I can do about but at the very least I still can and will denounce it as unworthy of the lofty claims of UNA and totally undeserving of the support of our people," dagdag pa niya. Ang mag-amang Pimentel ay miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), na nakipagalyansa sa Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) para mabuo ang United Nationalist Alliance (UNA). Ang pagsasanib ng dalawang partido ay paghahanda sa gaganaping halalan sa 2013. Mula naman sa dating partidong Lakas-CMD, lumipat si Zubiri sa PMP na pinamumunuan ni dating Pangulong Joseph Estrada. Sinubukan pero bigo ang GMA News Online na makausap si Zubiri at ang mga opisyal ng UNA para makuha ang kanilang panig tungkol sa pahayag ng nakatatandang Pimentel. Matapos opisyal na ipahayag ng UNA na kasama sa senate slate si Zubiri, nagpahiwatig ang nakababatang Pimentel na lilipat ito grupong sasamahan sa 2013 elections. Pera vs. prinsipyo Sa kanyang pahayag, sinabi ng nakatatandang Pimentel na ang desisyon ng UNA na piliin si Zubiri kaysa sa kanyang anak ay pagpapakita na nababasura ang prinsipyo dahil sa pera. "It sends [the inconscionable message] that it is all right for UNA to have cheats join the cheated in its political slate and endorse them all for the people to support because of the 'focus' of the alliance is to win in the 2013 elections. In language of the kanto boys, that means winning elections at all cost," aniya. Matapos ang 2007 elections, naghain ng electoral protest ang nakababatang Pimentel sa pagkapanalo ni Zubiri na nakuha ang pang-12 at huling puwesto sa Senado. Inakusahan ni Pimentel (pang-13 sa naturang halalan) na nandaya si Zubiri sa Mindanao kaya nanalo. Bagaman aminadong nakinabang sa dayaan sa Mindanao, mariing itinanggi ni Zubiri na alam niya ang nangyaring dayaan. At sakabila ng mga ulat na ilalabas na ng Senate Electoral Tribunal ang paborableng desisyon sa protesta ni Pimentel, nagbitiw sa kanyang puwesto si Zubiri noong nakaraang taon. - Mandy Fernandez/FRJ, GMA News