ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Makati City, magtatalaga ng 45 monitoring teams para sa plastic ban


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa simula ng kanilang mas mahigpit na pagpatutupad sa plastic ban ngayong linggo, magtatalaga ang Makati City ng 45 na monitoring teams mula sa Plastic Monitoring Task Force (PMTF) na mag-inspeksyon sa 738 establishments na gumagamit ng plastic packaging. Ayon sa lokal na pamahalaan, susuriin ng mga grupo ang imbentaryo ng plastic at ng iba pang mga non-biodegradable material ng bawat establishment. Ayon kay Department of Environmental Services (DES) chief Danilo Villas, binubuo ang bawat grupo ng limang miyembro na kumakatawan sa Makati Health Department Sanitation Division, Business Permits Office, Makati Action Center, Liga ng mga Barangay, at DES. Ayon sa kanya, 19 na grupo ang nakatalaga sa mga establishment sa District 1, anim na naman sa District 2, at 20 sa anim na villages. "Their initial target of 738 establishments comprises 209 food establishments and 529 retail outlets.  The teams will inspect nine food and 101 retail stores in District I, 71 food and 237 retail outlets in District II, and 129 food and 196 retail outlets in the villages and Central Business District," ayon sa lokal na pamahalaan. Nakasaad sa mga datos mula sa Business Permits Office ng lungsod na mayroong kabuuang 1,674 food establishments at 5,694 retail outlets sa Makati. Ayon kay Mayor Jejomar Erwin Binay Jr., sa ilalim ng City Ordinance 2003-095, bibigyan ng siyam na taon ang mga food at retail establishment upang tuluyang talikuran na ang paggamit ng plastic, Styrofoam at iba pang mga parehong kagamitan, upang mapalitan ang mga ito ng environment-friendly na pambalot at food container. “We are now on the ninth year of implementing the ordinance, so we believe we have given establishments enough time to prepare for the full phase-out being required of them.  The new Executive Order I issued recently has, in fact, extended the deadline to June 20, 2013,” ani Binay. Nanawagan din siya sa mga establishment na magsumikap na gawing environment-friendly ang packaging ng kanilang produkto. Makatutulong umano ito sa gobyerno na magampanan ang kanyang parte sa pagsugpo ng global warming, ayon sa local EO. Dagdag pa, inatasan na umano ni Mayor Binay ang monitoring teams na alamin ang kasalakuyang bilang ng stocks sa imbentaryo ng plastic at iba pang non-biodegradable materials. Ayon sa kanya, magsisilbing basehan ang datos na makakalap ng monitoring teams sa pagsusuri sa pagsunod ng disposal order ng mga establishment. Hindi pagsunod Naglabas ng utos si Binay matapos mapag-alaman mula sa DES na hindi umano nagpapasa ang mga establishment ng quarterly stock inventory report sa kanilang mga non-biodegradable materials tulad ng thin film, single-use at carry-out platic bags. Nakatalaga ang PMTF upang banatayan ang pagsunod sa ordinansa ng supermarkets, public markets, shopping malls/department stores, restaurants, fast food chains, convenience stores, canteens, mga kainan at iba pang mga kaparehong establishment. Sa ilalim ng panuntunan ng "Use of Environment-Friendly Materials," ipinagbabawal ang mga establishment na magbenta, gumamit, at magbahagi ng mga plastic bag para sa primary o secondary packaging ng dry goods, o bilang secondary packaging ng wet goods. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta, paggamit o pamamahagi ng Styrofoam (Polystyrene) at ibang lalagyan ng pagkain na may sangkap na hindi nabubulok. Full implementation sa 2013 Sa pagpapatupad ng ban sa Hunyo ng susunod na taon, kinakailangang maglaan ng mga management ng mga establisamiyento ng libre o may bayad na paper bags, cloth bags, basket/woven bags na gawa sa biodegradable packaging, woven native bags at iba pang mga materyal na magagamit kapalit ang plastic shopping bags. Nauna nang naghain ng panibagong EO si Binay bilang pamalit sa naunang EO na inihain noong Disyembre, upang magkaroon ng tiyak na pagkakilanlan ang "primary" sa "secondary" packaging materials. At upang matutukoy din ang ilang produkto na hindi saklaw sa plastic ban na ipatutupad sa susunod na linggo. Tinutukoy ang mga primary packaging na materyal bilang “first level product packaging that contains the item sold,” na ginagamit para sa mga wet produce, snack food, frozen food, at hardware. Ginagamit naman ang secondary materials upang magbigay ng "support for wet goods with primary packaging," na makatutulong sa mga handler at customer. Hindi saklaw sa batas ang mga plastic bottled na produkto tulad ng shamppo at conditioner, soap/detergent, noodles; cosmetics; cigarette case; plastic bags na ginagamit bilang primary packaging ng mga wet goods na mayroong kapal na 15 microns at pataas. Kinakailangan ding magtayo ang mga establisamiyento ng may markang “Plastic Bag Recovery Bin” sa kanilang entrance at exit upang madaling makolekta, recycle at maitapon ng plastic bags. Inatasan din ang mga Baranagay Hall na magtayo ng markadong recovery bins upang magsilbing drop-off points ng mga residente sa kanilang mga nakolektang plastic bags. Makikipag-ugnayan ang DES kasama ang mga kilalang recyclers/ organized junk-shop operators para sa maayos na koleksyon, transportation, recycling at disposal ng plastic bags na ilalagay sa nasabing bins. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News